rey-copy-copy

SA pagdiriwang ng 50th year ng OPM ay nabuo ang konseptong pagsamahin ang tatlo sa matitinik na songwriters ng bansa na sina Ogie Alcasid, Louie Ocampo at Rey Valera for a concert entitled Kanta Ko, Panahon N’yo na gaganapin sa Kia Theater sa Araneta Center sa Dec. 2. Salitan sila sa pagbibigay-buhay sa timeless hits na kanilang nilikha.

Ang pahayag ni Ogie, na ayaw pang ibulgar kung Kapamilya na siya: “Malaking karangalan na awitin ko ang mga obra ni Rey na malaki ang naging influence sa akin bilang composer. Madaling maka-relate sa mga awitin niya dahil punung-puno ito ng pag-ibig at pag-asa.”

Dekada 80 nang magsimulang gumawa ng pangalan si Ogie bilang composer at kalaunan ay bilang komedyante. Sa kabila ng tagumpay ay hindi niya kinalimutan ang musika na karamihan ay ginamit na mga pelikula at teleserye themes.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang ilan sa classic hits ni Ogie ay Pangarap Ko Ang Ibigin Ka, Bakit Ngayon Ka Lang, Kailangan Kita, Pangako, Nandito Ako at iba pa.

Forty years na ang inilagi ni Rey Valera sa music industry at marami siyang kinathang awitin para sa Vicor artists tulad nina Sharon Cuneta at Rico J.Puno. Hanggang ngayon ay tinatangkilik ang kanyang mga obrang tulad ngMr. DJ, Malayo Pa ang Umaga, Maging Sino Ka Man, Kung Tayo’y Magkakalayo, Sinasamba Kita at napakaraming iba pa.

Ang malawak niyang karanasan sa musika ay madalas niyang ibahagi sa mga lumalahok sa “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime na siya ang chief juror.

Louie Ocampo was a teen-age organ prodigy na tulad ni Valera ay nagsimula sa Vicor in the late 70’s. Nag-aral siya sa Berklee College of Music sa US at nag-train bilang arranger at musical director. Sa concert ng mga sikat na singers ay palagi siyang kinukuha bilang musical director.

Ang ilan sa mga katha niyang awitin ay ang You Are My Song, So Many Questions, Ewan, Hagkan, Tell Me, To Love You Once Again at maraming iba pa.

Presented by Viva Live, ang Kanta Ko, Panahon N’yo ay ididirihe ni GB Sampedro at si Louie Ocampo ang musical director. (REMY UMEREZ)