NEW YORK – Muling tinalikuran ni Bobby Ray Parks, Jr. ang PBA para ituloy ang pangarap na makalaro sa NBA. At hindi nabigo ang 6-foot-4 Gilas Pilipinas mainstay.

Napili ng Westchester Knicks si Parks bilang huling player sa kanilang line up sa ginanap na 2016 NBA D-League Draft nitong Linggo (Lunes sa Manila). Nakuha si Parks bilang ikawalo sa ikaanim na round.

Naglaro si Parks sa Texas Legends sa nakalipas na season bilang 25th pick overall sa nakalipas na NBA drafting. Nagbalik siya sa draft pool nang hindi siya kunin ng Legends.

Tangan ni Parks ang average 4.6 puntos, 1.9 rebound, 0.8 assist sa 32 laro sa Texas sa nakalipas na season.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa ikatlong season ang Westchester sa D-League, ngunit nagawang makausad sa playoff sa nakalipas na taon tangan ang 28-22 karta, sa pangunguna nina Jimmer Fredette at Thanasis Antetokounmpo, nakababatang kapatid ni Milwaukee Bucks star Giannis.