matteo-copy-copy

SA tatlong taong pagiging magkasintahan nila ni Sarah Geronimo, aminado si Matteo Guidicelli na napag-uusapan na nila ang pagpapakasal. ‘Yun nga lang, hindi ito magaganap next year o maging sa susunod na tatlo pang taon, ayon sa athlete/actor/singer.

Twenty-six (26) years old na ngayon si Matteo, na nais mag-settle down sa right age of 30.

Matatandaang nag-celebrate sina Matteo at Sarah ng kanilang ikatlong anibersaryo kamakailan sa bayan ni Matteo -- sa Oslob,Cebu – at in-enjoy doon ang underwater whale sighting.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Habang may panahon pa, may apat na taon pa bago siya mag-asawa, napag-iisip-isip na ni Matteo na marami pa siyang dapat gawin sa buhay.

“It matters if she’s there. But even with whatever plans in the future, she’ll always be my inspiration to push more and be the best I can,” ani Matteo.

Bilang singer, pinaghahandaan niya ang kanyang nalalapit na concert sa kanyang hometown dubbed as #MatteoMadeinCebu na gaganapin sa Waterfront Hotel Lahug sa November 18 with Martin Nievera and KZ as guests.

Bukod sa kanyang restaurant sa Cebu, may iba pa siyang plano.

“I still want to work with the local Cebuano filmmaker and to do something, not necessarily about Cebu but with a Cebuano production,” aniya.

Nagtatag si Matteo ng sariling production company, ang Big Bang. Ayon sa kanya, misyon ng kanyang budding production firm na tumulong sa baguhang performers at artists na matagpuan ang kanilang niche sa napakalawak na entertainment industry.

“Don Frasco, I really want to work with him so we’re planning to do something next year and something to really represent us and to hopefully give the Cebuanos a break and be able to go to Manila, if ever,” ani Matteo.

(ADOR SALUTA)