lady-gaga-copy

MULING nanguna sa ikaapat na pagkakataon si Lady Gaga sa Billboard 200 albums chart dahil nag-No. 1 ang kanyang bagong album na Joanne. Bumenta ang set ng katumbas ng 201,000 album units – mas mataas kaysa inaasahan – sa loob ng isang linggo na nagtapos nitong Oktubre 27, ayon sa Nielsen Music.

Inilabas ang Joanne noong Oktubre 21 sa tulong ng Streamline/Interscope Records.

Iniraranggo ng Billboard 200 chart ang pinakapopular na mga album sa isang linggo sa U.S ayon sa multi-metric consumption, at kabilang dito ang tradisyunal na album sales, track equivalent albums (TEA) at streaming equivalent albums (SEA). Ilalabas ngayong araw ang buong chart na dated Nov. 12 sa website ng Billboard.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Humanay ang Joanne sa nanguna ring mga album ni Lady Gaga na Cheek to Check (kasama si Tony Bennett noong 2014), Artpop (2013), at Born This Way(2011).

Mas malaki kaysa inaasahan ang naibentang 201,000 units ng Joanne. Noong Oktubre 25, inilahad ng sources na nagsimula ang album sa halos 180,000 units.

 Ang 201,000 launch ng album ay ikaapat sa pinakamalaking debut sa 2016, at pangalawa sa pinakamalaki para sa babae.

Ang mga sinusundan nito pagdating sa unit sales ay angViews ni Drake (1.04 million),Lemonade ni Beyonce (653,000), at ang Blonde ni Frank Ocean (276,000). 

Pagdating naman sa traditional sale, bumenta ang Joanne ng 170,000 – ikapitong pinakamalaki ngayong taon at pangalawa para sa pinakamalaki sa isang babae. Ang nagtala ng mas malaking sales ay ang Views ni Drake (852,000 naibenta), Lemonade ni Beyonce (485,000) Blonde ni Frank Ocean (232,000), Blackstar ni David Bowie (174,000), A Moon Shaped Poolng Radiohead (173,000) at Californiang Blink-182 (172,000).

Todo-todo ang pagpo-promote ni Lady Gaga sa unang linggo ng album niya sa market. 

Nagtanghal ang singer sa Saturday Night Live ng NBC noong Oktubre 22, nagpainterbyu kay Howard Stern ng SiriusXM noong Oktubre 24, sumali sa kilalang Carpool Karaoke ni James Corden, segment sa The Late Late Show ng CBS noong Oktubre 25, at tinapos sa dive bar tour nito sa Los Angeles noong Oktubre 27. (AP)