SI Jennifer Lopez ang gaganap bilang Rosie sa live musical event ng NBC na 1960 Broadway show na Bye Bye Birdie, inihayag ng network nitong Huwebes.
Ipapalabas ito sa Disyembre 2017, kasunod ng live staging ng The Sound of Music, Peter Pan, at The Wiz na naging tradisyon na ng NBC tuwing holiday season. Ang show ngayong taon na Hairspray Live ay sisimulan sa Disyembre 7.
Ang Tony Award-winning na Bye Bye Birdie, unang pinagbidahan ni Dic Van Dyke bilang rock ‘n’ roll manager na si Albert Peterson at ni Chita Rivera bilang Rosie, ang kanyang secretary at girlfriend, ay inspired ng naging maingay na Army draft notice kayElvis Presley noong 1950s. Isasalin sa telebisyon ang musical ng kilalang Broadway actor at manunulat na si Harvey Fierstein, na siya ring nagsalin ng Hairspray para sa NBC.
Si J.Lo rin, na bumida sa Shades of Blue ng NBS, ang magiging executive producer ng palabas.
“To have a superstar like Jennifer Lopez starring in this classic show, which every high school in America has done, will ensure that our holiday musicals continue to be must-see events for the whole family,” saad sa pahayag ni Robert Greenblatt, chairman ng NBC Entertainment. “It was her idea to take on this classic singing and dancing role made famous by the legendary Chita Rivera, and we are so happy to oblige!”
Samantala, magtatanghal din si Lopez ng kanyang patok na mga awitin – pati na rin ang bersiyon niya sa A Lot of Livin’ to Do mula sa Bye Bye Birdie – sa Las Vegas. (MB Entertainment)