Magpapatuloy ang paghahanap sa mga future cycling star ng bansa sa pagpadyak ng dalawang qualifying races ng 7th LBC Ronda Pilipinas 2017 sa Nobyembre 6 sa Subic Bay Freeport Zone grounds.

Mahigit 30 rider ang sisikad sa qualifying event ng tinaguriang biggest cycling race sa bansa.

Nakatakda ang LBC Ronda sa sa Pebrero 4.

“The top 30 cyclists in the LBC Ronda Pilipinas Subic qualifying race will make it to the main Ronda event in February next year,” sabi kahapon ni Ronda Pilipinas race director Jingo Hervas na muling hahawakan ang karera sa ikalawang sunod na taon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinabi ni Hervas na ang mga hindi makakapasok sa cut ay pwede pang sumali sa final qualifier sa Bacolod City sa Disyembre 4 na sisikad kasabay naman ng Dans 360 Beynte bike event.

Makakasama ng 60 qualifiers ang mahigit sa 50-katao na pool na awtomatikong nagkuwalipika matapos ang nakalipas na karera bagama’t ipinaliwanag nitong dapat din mag-rehistro ang mga qualifiers para sa kanilang spots.

“Those who are automatically included should secure and claim their slots by registering,” sabi ni Hervas.

Nakataya sa ikapito nitong taon na tatahaking ang 12-stage na main event ang tumataginting na P1 milyong cash prize para sa champion na handog ng presentor LBC at major sponsors Mitsubishi, Petron, ASG Group, Dans360 at Donen sa event na itinataguyod ni PhilCycling president Abraham “Bambol” Tolentino.

Ipinaliwanag ni Ronda sports development head Moe Chulani na nilakihan ang gantimpala upang makatuklas nang mas maraming batang siklista sa mga lalawigan tulad ni Ranlen Maglantay, sumabak sa kasalukuyang taon gamit lang ang mura, segunda manong bisikleta, lumang sapatos na goma at natupad ang pangarap na makasali sa malaking kompetisyong.

“We believe that somewhere out there, there are gems in the rough waiting to be discovered like Ranlen Maglantay,” pahayag ni Chulani.

“LBC Sports Devt Corp. feels everyone should have the chance to join Ronda Pilipinas 2016, which is the fourth biggest race in the world in terms of distance covered, not just the elite riders.”

Ang mga interesadong sumali ay maaaring bumisita sa Ronda’s official Facebook page https://www.facebook.com/girodepilipinas at idownload at lagdaan bago ipadala sa Cycling Pilipinas (LBC SPORTS DEVT. CORP.) c/o Ronda Pilipinas 2016 Secretariat, Blk. 11 Lot 2 Bagong Calzada, Grenville Subdivision, Brgy. Ususan, Taguig City o sundan ang LBC Ronda Pilipinas’ official Twitter account @rondapilipinas.