Winalis ng Centro Escolar University ang first round elimination sa impresibong 76-61 panalo kontra Olivarez College nitong Sabado sa Universities and Colleges Basketball League (UCBL) sa Olivarez Sports Center sa Parañaque City.

Naghabol ang CEU sa first period, 25-8, bago nagawang maagaw ang momentum para mapanatili ng Scorpions ang imakuladang karta sa loob ng anim na laro.

Sa pangunguna ng 6-foot-6 na si Rod Ebondo, nabura ng Scorpions ang 31-35 paghahabol sa second period para maagaw ang 53-49 bentahe.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“We were flat again in the second quarter. My players have this tendency to relax for a while. I asked them to give their bests in the second half. That was my challenge to them and good thing, they responded,” sambit ni CEU coach Yong Garcia.

Nanguna si Ebondo sa naiskor na 25 puntos at 15 rebound.

“I hope we can continue playing well in the second round. I would not say another sweep, I will just think about it one game at a time,” ayon kay Garcia.

Bagsak ang Sea Lions sa 3-2 marka kapantay ang Technological Institute of the Philippines.

Iskor:

CEU (76) – Ebondo 25, Casino 11, De Leon S. 9, Fuentes 9, Manlangit 8, Wamar 6, Opiso 4, De Leon K. 2, Aquino 1, Arim 1, Veron 0.

Olivarez (61) – Belaso 14, Sala 13, Saguiguit 9, Rabe 7, Singh 6, Geronimo 5, Sunga 4, Uduba 2, Bermudez 1, Solis 0, Almejada 0.

Quarterscores: 23-10; 31-35; 53-49; 76-61.