NATULOY na ang ‘honeymoon’ nina Alden Richards at Maine Mendoza. Umalis sila kasabay si Direk Mike Tuviera bagamat iba naman daw ang pupuntahan nito. Sakay ng Cathay Pacific Airways sina Alden at Maine for London. 

Matatandaan na nagtampo si Maine kay Alden nang sa tuwa at excitement ni Pambansang Bae nang una siyang pumunta sa London ay nabanggit niyang end of October ay sila naman ni Maine ang pinayagang magkaroon ng bonding time, yes, silang dalawa lang ang magkasama, pero gusto pala ni Maine na sorpresa nila iyon sa kanilang fans. 

Marami munang naganap sa kalyeserye ng Eat Bulaga. 

Two weeks ago, ginanap ang pamamanhikan kay Maine nang bumalik na sa Pilipinas, after five years, sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo). Si Lola Babba (Ai Ai delas Alas) naman ang kasama ni Alden nang hingin ang kamay ni Maine. Nagkaroon pa ng prenup pictorial na ang ganda-ganda ni Maine at ang guwapo ni Alden. 

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Sumunod na Sabado, October 22, ginanap na ang kasal sa Christ The King Church sa E. Rodriguez Blvd. QC na dinaluhan ng buong Dabarkads at ilan pang malalapit na kaibigan ng mga ikinasal. 

Parang tunay ang kasal, maliban nga lamang sa pari na artista rin. Napakaganda ng wedding coverage na ilang araw ding nai-feature sa kalyeserye.

Dalawang araw nagkahiwalay sina Alden at Maine dahil nag-cover si Maine ng AlDub Libraries sa Iligan City at sa Cebu City, at inasikaso naman ni Alden ang repacking ng goods and wedding gifts mula sa fans and sponsors para sa Lawin typhoon victims sa Ilocos Norte. 

Very busy pa rin ang mag-asawa attending to their commitments bago sila tuluyang nakaalis kahapon, Sunday morning.

Pero hindi sila puwedeng magtagal sa kanilang ‘honeymoon’ dahil sa kanilang maraming commitments na naghihintay rito. (NORA CALDERON)