CAMP OLIVAS, Pampanga – Bineberipika ngayon ng Police Regional Office (PRO)-3 ang impormasyon sa umano’y pagkakasangkot ng nasa 19 na mayor at vice mayor sa bentahan ng droga sa rehiyon.

Ito ang ibinunyag ni PRO-3 Director Chief Supt. Aaron Aquino matapos siyang magtalumpati sa Pampanga Peace and Order Council meeting na pinangunahan ni Pampanga Gov. Lilia Pineda sa Kingsborough Convention Center nitong Biyernes.

Ayon kay Aquino, dalawa sa mga nabanggit na opisyal—isa sa Bulacan at isa sa Pampanga—ang napasama kamakailan sa drug list ni Pangulong Duterte.

Bukod sa mga pulitiko, sinabi ni Aquino na mahigit 100 pulis din mula sa Central Luzon ang isinailalim na sa surveillance at imbestigasyon kaugnay ng droga.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Batay sa impormasyon, natukoy ang kaugnayan ng mga opisyal at pulis sa mga sindikato ng droga, base sa mga ulat na bineripika ng anti-drugs at intelligence surveillance teams ng PRO-3. (FRANCO G. REGALA)