HINIHIMOK ang mga manonood, lalo na ang mahihilig um-aura, na sumali sa video challenges ng first-ever interactive rom-com ng GMA na Usapang Real Love.

Sa Facebook post, kailangan lang na mag-pose kasama ang kanilang sapatos. Ang mga gustong sumali ay kailangang mag-submit ng video entries sa Facebook o i-upload ito sa Instagram o i-tweet sa Twitter and at i-tag ang @UsapangRealLove na may hashtag na #MagpaFANsin. Tumutok lang sa tuwing Linggo sa programa para malaman kung kayo ang napili na mapanood sa TV.

Tampok ngayong buwan ang kilig love story nina Mikee Quintos at Andre Paras bilang sina Ella at Eugene sa URL Presents Perfect Fit, napapanood tuwing Linggo ng hapon sa GMA.
Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula