CABANATUAN CITY - Isang hinihinalang drug courier ang natagpuang nakatimbuwang sa ibabaw ng irrigation canal at may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakagapos ng alambre at nasasabitan ng placard sa leeg, sa Felipe Vergara Highway sa Purok Embuscado, Barangay Caalibangbangan sa lungsod na ito, nitong Biyernes ng umaga.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Ronel Balundo, dakong 6:30 ng umaga nang natagpuan ang biktima na nasa edad 30-35, nakasuot ng maong pants, may tattoo na puso at “JR” sa kanang balikat, at nasasabitan ng placard na nasusulatan ng: “Tagadala ako ng droga, ‘wag tularan, pusher ako.”
Nakalagak ang bangkay sa Loida Funeral Homes sa Bgy. Bantug Norte sa Cabanatuan City. (Light A. Nolasco)