Inayudahan ng Philippine Sports Commission ang National Masters and Seniors Athletics Association of the Philippines sa pagsabak sa 22nd World Masters Athletics Championships 2016 sa buwang ito hanggang sa papasok na buwan sa Perth, Australia.

Isang mapwersang lima-katao na delegasyon ang kumatawan sa bansa World Masters na binuksan na noong Oktubre 26 at tatatagal hanggang Nobyembre 6.

Sariwa pa ang mga dating pambansang atleta na kabilang sa Philippine Masters athletics team sa matagumpay na paglahok sa idinaos na 19th Asia Masters Athletics Championships 2016 sa Singapore noong Mayo.

“Filipina javelin throw icon Erlinda Lavandia, leads the Philippine contingent with her attempt on November 2 to wrest back the javelin throw gold medal she last won in 2013 in Porto Alegre, Brazil,” sabi ni team manager Edward Kho.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Danilo Fresnido, current national team coach, opens the Philippine campaign on October 29, Friday, at 4pm in the men’s M40 category. Danny is a silver medalist in the Lyon edition in 2015 of the world championships and Phil.

javelin throw record holder. He will be up against the stalwart throwers of Europe and Australia,” hirit ni Kho.

Susubukan naman ng national coach na si Emerson Obiena, ama ni top Southeast Asian Games pole vaulter EJ Obiena, na maduplika ang bronze medal finish sa France world championships.

Kukumpletuhin ni three-time Olympian Marestella Torres-Sunang at veteran marathoner Lorna Vejano ang kampanya ng bansa sa palaro sa pagsalang sa women’s long jump sa Nobyembre. 5 at women’s marathon sa Nobyembre. 6.

“Mariz this year is debuting in the world masters stage. She is aiming to set a new world masters athletics record in this competition,” sabi ni Kho.

Aarangkada ang 2018world championships sa Toronto, Canada at ang Gotheburg, Sweden ang tanging contender na lang na host-city para sa 2020 meet. (Angie Oredo)