Humabol sa paggunita ng Undas ang isang lalaking rider nang mamatay dahil sa pagkakabangga ng minamaneho niyang motorsiklo sa isang multicab sa Valenzuela City, nitong Biyernes ng umaga.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Valenzuela City Medical Center si Anthony Pagal, ng No. 452 Matipuno Street, A-4 Pinalagad, Barangay Malinta ng nasabing lungsod, dahil sa pinsala sa ulo at katawan.

Kalaboso naman ang driver ng Suzuki Rebuilt multi-cab (PC1-885) na si Rogeilo Jugarap, 51, ng No. 56 R. Delfin Street, Bgy. Marulas, Valenzuela City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Marvin Umayam ng Traffic Vehicle Investigation Unit (TVIU) ng Valenzuela Police, dakong 10:45 ng umaga nangyari ang insidente sa kahabaan ng Dela Cruz St., Bgy. Maysan.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima at nabagok sa semento.

Kinasuhan ng reckless imprudence in resulting to homicide and damage to property si Jugarap. (Orly L. Barcala)