lovi-at-derek-copy

SIZZLING pero in good taste ang love scene nina Derek Ramsay at Lovi Poe sa pelikulang The Escort na kinunan sa napakagandang lugar ng Kandaya Resort, Bantayan Island, Cebu.

Matitindi ang kissing at love scene nina Derek at Lovi na hindi gumamit ng plaster dahil nakasuot ng skin-tone cycling short ang aktor at nakaitim na two-piece naman ang aktres.

Present ang Mommy Rowena Moran ni Lovi at masayang kuwento ng aktres, binati siya ng mama niya dahil maganda ang pagkakagawa ng intimate scenes nila ni Derek.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Hindi ba siya kinabahan na baka pagalitan siya nito sa mga napanood na eksena?

“Hindi kasi sanay na siya, saka maganda ang pagkakakuha, maingat din si Derek,” kaswal na sagot ni Lovi.

Sa lahat ng pelikulang ginawa niya, sa The Escort siya nahirapan dahil seryoso ang karakter niya as Yassi/Yasmien kaya hindi niya napaglaruan.

“Naninibago ako, kasi usually, puwede akong maglaro sa role ko na nakukuha ko sa movies, like ‘yung Temptation Island, malandi siya, this one, tahimik,” kuwento ng dalaga.

Gusto ni Lovi ang lahat ng mga eksena sa The Escort, pero pinakapaborito niya ‘yung nag-uusap sila ni Derek over a cup of tea dahil cute raw. Tungkol kasi sa estado nila sa buhay bilang escorts ang topic.

Aling eksena naman nila ni Christopher de Leon ang gusto ni Lovi?

“’Yung kay Sir Boyet is ‘yung nagne-negotiate kami na binigyan niya ako ng tatlong options.”

Iniligtas kasi ni Boyet sa kamatayan si Derek, boyfriend ni Lovi sa istorya, at para makabayad ang dalaga ay binigyan siya nito ng tatlong options.

Una, kailangan niyang magpakasal kay Boyet; ikalawa. Pangalawa, isang buong gabing kapiling kapalit ang virginity niya. Ikatlo, magmi-make love sina Yassi (Lovi) at Xyrus (Derek) habang nanonood si Gary (Boyet).

Hindi masikmura ni Yassi na magpakasal sa lalaking hindi niya mahal at hindi rin niya type na makipag-love scene habang pinapanood, kaya ang ikalawang option ang pinili niya.

“Kung sa totoong buhay, hindi ko alam. Pero kung ako talaga si Yassi at wala akong ibang choice, option two din. Ang hirap kaya nu’n.

“Nahirapan ako sa movie, kasi nga limitado ang magagawa ko sa role. Hindi ko mapaglaruan. Especially that part na manonood si Sir Boyet habang nagmi-make love kami. Dalawang option ‘yung sinyut namin, at pinili na lang ni Direk (Enzo Williams) ‘yung mas madali,” kuwento ng dalaga.

Samantala, present ang girlfriend ni Derek sa advance screening ng The Escort kaya tinanong si Lovi kung hindi siya naalangan habang pinapanood nila ang love scene nila ng aktor.

“Hindi, kaibigan ko si Joan (GF ni Derek), she’s my friend. Schoolmates kami nu’ng high school (Colegio San Agustin),” sagot ni Lovi.

Mapapanood na ang The Escort sa Nobyembre 2, produced ng Regal Entertainment. (Reggee Bonoan)