bernard-jerika-at-isaiah-copy

SA one-on-one interview namin kay Jake Ejercito pagkatapos niyang tanggapin ang Best New Male TV Personality award sa PMPC Star Awards for TV, nakatsikahan din namin ang ate niyang si Jerika Ejercito na pasimpleng nakinig sa usapan namin tungkol sa anak kay Andi Eigenmann na si Ellie.

Ipinakita sa amin ni Jerika ang litratong magkakasama sina Ellie, Isaiah (anak niya kay Bernard Palanca) at Elijah (anak naman ni Meryll Soriano kay Bernard din). Kaya naitanong namin kung close sa isa’t isa ang tatlong bagets.

“Yeah, they are very close to each other. Si Elijah, I told Meryll na whatever happen between me and Bernard, hindi dapat maapektuhan ang relasyon ng magkapatid. Anuman ang mangyari, magkapatid, magkadugo sina Elijah at Isaiah,” sagot ni Jerika.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Nabanggit din niya sa amin na close sila ni Meryll dahil matagal na silang magkakilala, bago pa siya nakipagrelasyon kay Bernard.

Hindi na masyadong nagdetalye si Jerika kung bakit sila naghiwalay ni Bernard, basta ang sabi lang niya, “Bigla na lang, and we’re not friends. Hindi ko siya nakikita na, ayaw magpakita, but he can visit Isaiah anytime, hindi ko naman ipagbabawal ‘yun, he will always be the father of my son.”

Walang idea si Jerika kung nasaan si Bernard ngayon, wala rin siyang balita, at higit sa lahat ay wala ring financial support na natatanggap ang anak niya mula sa ama.

“Hindi nga nagpapakita, eh, so paano magkakaroon ng financial support, okay lang naman, kaya ko naman, baka someday magpakita na siya,” natawang sabi ng ate ni Jake.

May karelasyon ngayon si Jerika, ang Spanish mestizo na si Miquel Aguilar Garcia na country manager ng Togsms, kilalang tiles na yaring Espanya.

Malapit daw ang anak niyang si Isaiah sa boyfriend niya at natutuwa siya dahil magkasundo ang dalawa. Umaasa siya na ang kasalukuyang boyfriend na ang makatuluyan niya, single ito at walang sabit.

Nagtatrabaho si Jerika sa Manila City Hall bilang, “Personal secretary to the mayor (Joseph Ejercito Estrada) of Manila and program director ng Ilaw ng Maynila,” kaswal na sabi sa amin.

Natatawang kuwento ni Jerika, ayaw na ayaw niyang magtrabaho sa daddy niya dahil mas gusto niyang magnegosyo since business course naman ang natapos niya, pero mahilig daw siyang tumulong sa mga nangangailangan at ito ang dahilan kung bakit niya tinanggap ang alok ng ama na magtrabaho sa kanya.

Inalam namin kung tungkol saan ang Ilaw ng Maynila project ni Jerika.

“The Ilaw ng Maynila, it was October last year when my dad asked me to work for him, my only condition was, I will have free range on kinds of programs that I want to do for Manila.

“So my first program for Ilaw ng Maynila was anti-violence against women and children, and why’s that? I wanted to do a program na of substance. Something that would really uplift the lives of women and children in Manila.

“I could easily do feeding program, medical program but I mean that’s needed. But I wanted something na may longevity and may impact. And that’s one.

“And then medyo na sidetrack ako ng konti the last few months because of the recent Tokhang. Earlier this year pa, before President (Rodrigo) Duterte won, I already proposed a project to my dad na to build rehabilitation facilities na our very own sa Maynila, and then siyempre this will take two and a half years to build and the budget is malaki ‘yan.

“And all of a sudden this Tokhang happened, so we needed quick fix and at the moment, meron nang 11,000 surrenderees sa Maynila alone. So what we are doing now is we develop an outpatient program, Sagip Buhay, Sagip Pangarap.

“This will be a community based drug rehabilitation program. So ang mangyayari nito, we will asses the surrenderee, siyempre hindi 11,000, we cannot accommodate that. The first 2,000 muna and for the next 6 months, we will assess them. Tatlo lang naman, either pupunta sila sa Bicutan (Taguig) because they cannot function anymore, number two, they might be using drugs because they’re not meant to be stable and so this is NMH, National Mental Hospital in Mandaluyong and then ‘yung matitira, ‘yan ‘yung papasok sa programa ni Mayor Erap which is Sagip Buhay, Sagip Pangarap.

“This program will run for six months. So nag-allot na si Mayor Erap ng 50M for this program kaya ang mangyayari after the assessment, we’ll have seminars, mga focus groups with the surrenderees including their family and then that’s phase two and phase three, may skills training, livelihood.

“So the idea and vision for this project is all over Manila like karinderya na may makikita kang Sagip Buhay, Sagip Pangarap, ‘tapos ‘yung nagtitinda ro’n, graduate from the program. So that’s the whole concept of that project,” mahabang paliwanag ni Jerika.

Ang nabanggit na mga tindahan ay puwede raw ilagay sa malapit sa mga eskuwelahan sa buong Maynila.

As of now ay nagsimula na raw sila sa training ng assessors at matatapos daw ito sa unang linggo ng Nobyembre. At second phase raw ay magsisimula naman sa mid-November.

“Medyo matagal but we have to do it right,” kaswal na sabi ni Jerika. (REGGEE BONOAN)