PAGKATAPOS ng kanilang reunion sa mga naunang Sang’gre, tiyak na tututukan din ang nalalapit na tapatan nina Glaiza de Castro at Sunshine Dizon sa Encantadia.
Usap-usapan sa production unit ng epic-serye na very intense ang naging titigan scene ng dalawa habang ginagawa ang kanilang eksena na nagkakahamunan.
Kuwento mismo ni Glaiza sa experience niyang ito: “Nakakakilabot. Siyempre nu’ng ginagawa namin siya parang sinasabi namin, ano ba ‘tong ginagawa natin. Pero nagkaharap talaga kami ni Ms. Sunshine noon ‘tapos natatawa kami kasi parang ang awkward dahil (halos magkadikit) na ‘yung mga mukha namin ‘tapos nagkakadulingan na kami.”