Agad na masusubok matapos maging unang Woman Grandmaster/International Master nito lamang Agosto sa 42nd Chess Olympiad 2016 sa Baku, Azerbaijan si Janelle Mae Frayna na magiging abala sa papasok na taon sa paglahok sa santambak na nakatakdang torneo sa pangarap na makabahagi sa FIDE (World Chess Federation) Women’s World Championship Cycle 2018.
Inihayag ito ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director Grandmaster Jayson Gonzales, na siya ring personal trainor/coach ng unang WGM/IM ng bansa mula sa Bicol at produkto ng Far Eastern University.
“Bago pa ang graduation by May where she is a cum laude candidate, Janelle will took part in the March 3.3 Asian Zonal Chess Championships in Tagaytay (City, Cavite),” wika ni Gonzales pagkaraan ng 2017 budget meeting kay Philippine Sports Comission (PSC) chairman William Ramirez bago natapos ang weekend sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
“Come August she will campaign in some strong European tournaments. Pero hindi lang siya maglalaro, magti-training din siya roon sa chess school at susubukan naming magkaroon siya ng mga simultaneous matches,” hirit ni Gonzales.
At dahil sa malaking pondo ang kailangan ng pederasyon, susubukan din ng NCFP na makatulong sa government sports agency para sa magugugol ni Frayna sa pagpa-fundraising events para 20-year-old Albay city native lady woodpusher international campaign.
“Euro na equivalent in millions of pesos ang magiging expenses niya sa airfare, hotel accommodation at iba pang expenses kaya mabigat at talagang kailangan namin ang tulong ng PSC para kay Janelle,” panapos ni Gonzales.
Para makabahagi si Frayna sa taunang Women’s World Chess Championship, dapat siyang lumahok sa mga qualifying events na mga kinabibilangan ng National Championships, Zonal Tournaments, Continental Championships, FIDE Women’s Grand Prix at sa final stages na Women’s World Chess Championship Tournament sa even years 2018, 2020 at iba pa para makapasok sa 64-player knock out system na pa-Women’s World Chess Championship Match (10 games, 2 players) sa odd years, 2019 at 2021. (Angie Oredo)