BATAAN PROVINCIAL JAIL – Sumisibol ang bagong pag-asa para sa mahigit 2,000 nakabilanggo sa Bataan provincial jail kasunod ng pagpapanukala ng bagong pamunuan nito na bigyan ng disenteng mapagkakakitaan ang mga preso kahit nasa loob.

Ito ang ibinunyag ni Supt. Wilson Tauli, bagong provincial warden ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Bataan, sinabing maaaring maging produktibo ang mga bilanggo sa lalawigan sa pagkakaloob sa kanila ng trabaho.

“We can arrange them to get jobs from factories in Freeport Area of Bataan or any other companies in the province by getting raw materials there, then the inmates will assemble or do it inside the jail,” sabi ni Tauli.

Aniya, naipatupad na niya ang naturang ideya noong siya pa ang warden sa Marikina City.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

“They can earn while their cases are being heard; there is nothing wrong with it since the raw materials that they are going to assemble will be brought here and do it inside the jail,” paliwanag ni Tauli.

Sa kasalukuyan, tinataya sa mahigit 2,100 ang bilanggo rito, at karamihan ay hindi pa nasesentensiyahan.

Ayon kay Tauli, makikipag-ugnayan na siya sa mga pabrika at kumpanya sa lalawigan para sa panukala niyang bigyan ng trabaho ang mga bilanggo.

Sinabi naman kamakailan ni Gov. Abet S. Garcia na kakapusin ang mga manggagawa sa Bataan sa tuluy-tuloy na dagsa ng mga namumuhunan sa probinsiya, partikular na sa FAB, Limay, Hermosa at SBMA. (Mar T. Supnad)