SUMULAT ng sanaysay ang komedyante na si Amy Schumer, nang ma-bash sa social media, para depensahan ang kanyang ginawang video na sumasayaw at nagli-lip sync ng patok na awitin ni Beyonce na Formation, at sinasabi niya na paraan lamang niya ito upang maipahayag ng kanyang paghanga.
“It was NEVER a parody. It was just us women celebrating each other,” saad ni Schumer sa sanaysay na may pamagat na Information About My ‘Formation’ na lumabas sa online publishing platform na Medium noong Huwebes.
Kasama rin sina Goldie Hawn, Wanda Sykes, Joan Cusack at Raven Goodwin sa video na nilinaw ni Schumer na aprubado ni Beyonce at ng asawang rapper nito na si Jay Z, kaya nag-stream sila ito noong Biyernes.
Naging viral ang hashtag na “#AmySchumerGottaGoParty” sa Twitter nang ilabas ang video, na tinawag ng maraming nakapanood na culturally insensitive.
Ipinaliwanag ng Trainwreck screenwriter na nais lamang ng video na pagbuklurin ang kababaihan. Ang ikaanim na solo album ni Beyonce na Lemonade, na kinabibilangan ang single na Formation, ay nakilala bilang awitin tungkol sa lahi at feminism.
Itinuturing ni Schumer ang album bilang “one of the greatest pieces of art of our time.”
“If you watched it and it made you feel anything other than good, please know that was not my intention,” ani Schumer. “The movie we made is fun and the women in it are strong and want to help each other. That’s what it was about for me.”
“My mission is to continue to work as hard as I can to empower women and make them laugh and feel better, and I won’t let anything stop me.” (Reuters)