TOKYO — Dapat ikunsidera ng United States (US) ang pag-alis sa visa requirements para sa mga turistang Pilipino, kung hindi ay ipapataw din ito sa mga turistang Amerikano.
Ito ang sinasabi ni Speaker Pantaleon Alvarez, bilang suporta sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na obligahing kumuha ng visa ang mga Amerikano bago pumasok sa Pilipinas.
“If they are not willing to grant us the same privilege, we might also require their citizens to come to our country to apply for a visa in our embassies,” ani Alvarez.
Sinabi ni Alvarez na nakakaikot sa bansa ang mga Amerikano ng walang visa, samantala ang mga Pinoy ay nagbabayad pa sa tourist visa para makapasyal sa US.
Nais ni Alvarez na tanggapin ng Pilipinas ng mga prebelehiyong ibinibigay nito sa mga dayuhan, lalo na sa mga Amerikano.
“Ang hirap kasi nasanay ‘yung Filipinos na bine-baby ang Amerika. Para bang hindi sila pwedeng magkamali, lahat ng gagawin nila ay tama,” ayon pa kay Alvarez. (Genalyn D. Kabiling)