STOCKHOLM (Reuters) – Karaniwang sinasalubong ng mga sabik na Katoliko sa buong mundo, posibleng mas magiging tahimik ang pagdating ngayong linggo ni Pope Francis sa Sweden, isa sa pinaka-secular na bansa sa mundo. Dito mayroong mga bading na Lutheran bishops at espesyal na sementeryo para sa atheists o mga taong hindi naniniwala sa Diyos.

Bibisita si Pope upang makiisa sa Catholic-Lutheran service sa Lund sa pagdiriwang ng 500th anniversary ng anti-Catholic Reformation ni Martin Luther na nagresulta sa madugong pagkakahati-hati sa Europe.

Sa unang papal visit sa bansa sa loob ng halos 30 taon, magdadaos din si Francis ng misa sa Malmo, ang daanan ng libu-libong immigrant mula sa Middle East na tumatakas sa mga digmaan.

"This is really the first time Francis will have spoken so directly to the secular West, and he will do so in the country that is considered the world's capital of irreligion," sabi ni Austen Ivereigh, papal biographer at Catholic commentator.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Matamlay ang media coverage bago ang nakatakdang pagbisita ng papa – na magsisimula sa Lunes. Gayunman ang misa sa 26,500 seat capacity stadium sa Malmo ay halos sold out na.

Ipinakikita ng mga survey na ang Sweden, ipinapalagay na Lutheran, ay isa sa world's most irreligious nations. Sa WIN-Gallup survey nitong nagdaang taon, walo sa 10 Swedes ang nagsabing sila ay "not religious" o "convinced atheists."

Nabatid pa sa survey na mas pinagkakatiwalaan ng Swedes ang mga institusyon gaya ng tax agency kaysa Lutheran Church.

Sinabi ni David Thurfjell, professor ng religion at history sa Sodertorn University, na para sa maraming Swedes mas madaling umaming bakla kaysa maging relihiyoso.

"Swedes are just uneasy with the word," ani Thurfjell. "You would just never call yourself religious."