Hindi na itinuloy ang naunang napagkasunduang ‘special draft’ para sa mga miyembo ng Gilas Cadet sa gaganaping PBA Drafting bukas.
Sa halip, nagdesisyon ang PBA owners na pumili na lamang ng isa na kursunadang player sa 12 miyembro ng Gilas kung saan nakuha ng Blackwater si dating Far Eastern University standout Mac Belo.
Napunta naman sa Phoenix si dating ABL standout at Fil-American Matthew Wright, habang pangatlo naman ang dating University of Santo Tomas standout na si Kevin Ferrer na siyang napili ng Governor’s Cup champion Barangay Ginebra.
Ang kabuuan ng nasabing “selection process” kung saan namili na lamang ang mga koponan ay pormal na iaanunsiyo sa Linggo sa magaganap na Draft Proper sa Robinson Place Manila.
Gagawin ang anunsiyo ng alphabetical order bago ipagpatuloy ang kabuuan ng draft para sa mga hindi kabilang sa Gilas cadet pool.
Nangangahulugan na sa Linggo pa malalaman kung saan napunta ang iba pamng miyembro ng Gilas cadet partikular ang inaabangan at itinalagang pinakamahusay na pointguard sa amateur ranks sa kasalukuyan na si Jiovani Jalalon.
Kabilang din sa iba pang miyembro ng pool na aalamin kung kaninong koponan mapapabilang ay sina Mike Tolomia, Russel Esoto, Roger Pogoy,Von Pessumal. Ed Daquioag, Alfonso Gotaldera, Arnold Van Opstal at Carl Bryan Cruz.
(Marivic Awitan)