Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo R. Duterte nitong Huwebes na sunod niyang bibisitahin ang Malaysia upang talakayin ang maritime security, partikular na ang isyu ng pamimirata sa karagatan.

Inihayag ito ng Chief Executive sa press conference sa Davao City sa kanyang pagdating mula sa tatlong araw na official visit sa Japan.

"After this, I have to talk to ... Malaysia. I am going there to complete the tour because those are the only countries that would really matter to me," sabi ni Duterte.

Bumisita na ang Pangulo sa Laos, Indonesia, Vietnam, Brunei at China.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Malaysia because we have the Malacca Strait, we have this piracy going on every now and then. It puts to shame everybody," aniya.

"It's high time that I talk to ... Prime Minister Najib (Razak). We have to do something about it," dagdag ni Duterte.

Magkakahati ang Pilipinas, Malaysia at Indonesia sa hangganan sa karagatan na inaatake ng mga pirata, lalo na ng mga kasapi ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).

Kayat ayon kay Duterte kailangan niyang makausap ang Malaysia tungkol dito.

"I don’t know their standard of justice but Indonesia and Philippines more or less mga hardliner kami sa ganun.

Anything that is really out of this world that creates an outrage in human being. Hindi naman tayo nagkulang sa ating spirituality, morality, but enough is enough," aniya.

"And walang sisihan dito ha, because ang proposed ko talaga ganun din. So it’s the ultimate. Why would I waste (time) chasing you, I’ll just blow you (to pieces)," dagdag ng Pangulo.

Sa pagbisita niya sa Indonesia noong Setyembre, sinabi ng ni Duterte kay President Joko Widodo na papayagan niya ang Indonesian maritime authorities na tugisin ang mga pirata hanggang sa mga dagat na sakop ng Pilipinas at pasabugin ang mga ito.

"They can go ahead and blast them off. That’s the agreement. Pasabugin mo na. . . That's one of my words actually to...President Widodo," aniya. (ELENA L. ABEN)