BUKOD sa mga senador na may konek sa showbiz, may mga TV host na umalma sa pahayag ni PNP Chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na may isang TV host na kasama sa listahan ng mga taga-showbiz na sangkot sa paggamit ng illegal drugs.

Kaya sa sinasabing 54 na showbiz personality na kasama sa listahan na nakatakdang ilabas, ang isa ay TV host.

Banggit ni Sen. Tito Sotto, suspek ngayon ang lahat ng TV hosts sa bansa sa naging rebelasyon na ‘yun ni PNP Chief Dela Rosa.

Isa sa mga host ng Eat Bulaga si Tito Sen kaya pati raw siya ay damay sa nasabing “blind item”. Kaya hinamon niya ang heneral na pangalanan na lang kung sino ang nasabing TV host na maaaring maging dahilan para tigilan na nito ang nasabing bisyo.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Dapat pangalanan na niya para hindi suspek lahat at para mapilitang tumigil,” sey ni Sen. Sotto sa isang interview.

Dagdag naman ng isang kausap naming staff ng Eat Bulaga, tiwalang-tiwala siyang wala ni isa mang kasamahan nila sa programa na gumagamit ng bawal na gamot.

Sumailalim na rin sa panibagong drug test ang TV host din na si Luis Manzano. This time ay buhok na niya ang ginamit na specimen. Naninigurado raw si Luis na wala nang maaaring masilip sa kanya hinggil sa bagay na ito.

Samantala, nilinaw naman ng isa pang TV host na si Tim Yap ang isyung tumakas na siya ng bansa dahil natatakot siyang mahuli. Banggit ni Tim sa isang interview, nandito lang siya sa Pilipinas at medyo abala lang sa kanyang trabaho.

“I already subjected myself to random drug test and all are negative,” reply ni Tim sa text sa kanya ng isang katoto.

(JIMI ESCALA)