Tunay na kaibigan ng Pilipinas ang Japan. Ito ang napatunayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang tatlong araw na official visit sa nasabing bansa.

"In all my interactions in Japan, it was clear to me and to everyone that Japan is, and will always be, a true friend of the Philippines," sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati nitong Huwebes ng gabi pagdating niya sa Davao City.

Inilarawan ng Chief Executive ang kanyang biyahe na isa pang "defining moment" sa relasyon ng Pilipinas at Japan, idinagdag na ang kanyang mga pakikipagpulong sa Tokyo "were productive with specific gains in various areas of economic, socio-political security and defense cooperation."

Nagkasundo sila ni Prime Minister Shinzo Abe na palakasin pa ang pagtutulungan sa magkaisang mga adhikain at muling pagtibayin ang pangako sa rule of law at freedom of navigation sa South China Sea.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"We have bilateral and multilateral venues at our disposal to ensure that commitments and responsibilities are complied with under international law, including the 1982 UNCLOS (United Nations Convention of the Law on the Sea)," sabi ng Pangulo.

"We also agreed to harness Official Development Assistance (ODA) to support inclusive growth and sustainable development in the country," dagdag niya.

Sinaksihan ng dalawang pinuno noong Miyerkules ang paglalagda sa pagbili ng patrol vessels at iba pang kagamitan para sa Philippine Coast Guard (PCG) at TC-90 training aircraft na magpapalakas sa maritime security ng Pilipinas.

Naselyuhan din ang pamumuhunan ng mga negosyanteng Japanese sa manufacturing at agriculture na magbibigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino.

Patuloy ding susuportahan ng Japan ang peace and development agenda sa Mindanao. (Elena L. Aben)