CHICAGO — Dinismaya nina Cody Allen, Andrew Miller at matinding bullpen ng Cleveland Indians ang inaasam sana na kasayahan sa Wrigley Field na hinintay ng 71 taon.

Ito ay matapos makalusot si Allen sa mahigpitang ninth-inning habang nag-pitch ang Indians ng kanilang ikalimang shutout sa postseason sa pagbigo sa Chicago Cubs, 1-0, Biyernes ng gabi para sa 2-1 abante sa World Series.

Una nang nagsidatingan ang mga tagasuporta ng Cubs na tila naging bakod sa maigting na pagnananais na makita ang unang World Series game sa Wrigley sapul noong 1945.

Dumagundong ang ingay ng mga fans matapos ang two-out error ni first baseman Mike Napoli upang tulungan ang Chicago na may runner sa ikalawa at ikatlong base sa ninth.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Gayunman, pinatahimik ni Allen ang buong neighborhood ballpark, matapos nitong ma-strike out ang co-NL Championship Series MVP na si Javier Baez upang tapusin ang inning.

Nagpatama ang pinch-hitter na si Coco Crisp ng RBI single sa seventh mula kay Carl Edwards Jr. para sa tanging nagpanalong run.

Nagtala ang Indian starter na si Josh Tomlin ng 4-2/3 innings bago nagtulong-tulong sina Miller, Bryan Shaw at Allen.

Ang Cubs ay apat na beses nang nablangko sa huli nitong walong laro sa postseason. Ito ang una nitong 1-0 kabiguan sa World Series sapul na talunin nina Babe Ruth at Boston Red Sox noong 1918.

May pagkakataon na ang Cleveland na maitala ang mapagdesisyong 3-1 abante kung saan ang pambato nito na si Corey Kluber ang magpapasimula sa Game Four matapos ang maigsing pahinga sa Sabado at sariwa pa sa dominanting paglalaro sa unang laban. Si John Lackey ang pupukol sa Chicago.

Hindi pa nangyayari sapul noong mabigo sa Game Seven kontra Detroit noong 1945 na naghost ang Cubs sa World Series.

Ilang dekadang pagkadismaya at sumpa ang nagbigay para sa major league-leading 103 panalo at pag-asa para sa Cubs na makamit ang kanilang unang kampeonato sapul noong 1908.