Isang maalamat na 105-Howitzer canon ang magsisilbing hudyat para sa pagsisimula ng 2nd Philippine Marine CorpsMarathon full marathon at iba pang side event races sa Marine Base Gregorio Lim sa Ternate, Cavite sa Linggo, Oktubre 30.

Ang karera na tinaguriag 2nd Philippine Marine Corps Marathon, tampok ang 42.195-km route, gayundin ang side event na 25-km., 10-km. at limang kilometrong distansiya, at pamamahala ng mga punong-abalang sina Chief of Staff, Philippine Marine Corps (PMC) Col. Ariel Caculitan, PN (M), PMC Officers Spouses Assn., Inc. prexy Ana Parreno at race director Jonel Mendoza ng Frontrunner Magazine.

Masaya itong tapusin sa pamamagitan ng isang “boodle fight” o military style na “buffet” na kainan, na may dagdag pakunsuwelo pang Finisher’s Dog Tag at Event T-shirt sa half at full marathon finishers.

May kasama ring libreng paggamit ng beach resort, matapos ang hagibisan, ang kikitaing pondo ay mapupunta sa PMC Warrior Rehabilitation & Re-Integration Program, na pantustos sa mga naapektuhang battle casualties, kasama ang mga kawaning terminally ill o may masamang pangkalusugan.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Aalpasan sa ganap na 4:00 ng umaga ang karera.

Ang bahagi ng makakalap na pondo ay ibibigay sa mga iskolar ng PMCOSA.

Sa mga nais lumahok at makatulong, bisitahin ang website na frontrunnermagcom.ph. o mag-email kay information officer Capt. Ryan Lacuesta sa [email protected]. (Angie Oredo)