Ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes ng gabi na hindi na siya magmumura, matapos na kausapin at pag-utusan siya ng Diyos.

“I was looking at the skies while I was coming over here and...everybody was asleep, snoring. But a voice said that ... ‘if you don’t stop epithets, I will bring this plane down now’,” kwento ng Pangulo pagdating niya sa Davao International Airport, matapos ang tatlong araw na state visit sa Japan.

“And I said, ‘who is this?’ So, of course, ‘it’s God’. Okay. So, I promise God not to express slang, cuss words and everything,” patuloy ng Pangulo.

“You guys hear me right... because a promise to God is a promise to the Filipino people,” pahayag nito.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Nang magpapalakpakan na ang mga taong sumalubong sa Pangulo, sinabi niya na “huwag masyadong palakpak baka mapalpak pa tuloy.”

Nang tanungin kung hindi na siya gagamit ng matatalim na salita laban sa United States (US), European Union (EU), at kahit kay Sen. Leila De Lima, sinabi ng Pangulo na, “there is always a time.”

“There is always a timing, a time for everything, a time to be foul-mouthed and a time to… ano pa man,” ani Duterte.

(ELENA L. ABEN)