bob-dylan-copy

TATANGGAPIN na ng American singer-songwriter na si Bob Dylan ang kanyang Nobel Prize in Literature, ayon sa Swedish Academy.

Hindi nagbigay ng komento ang kilalang mahiyain sa media na si Dylan sa pagkakapanalo niya ng 8 million crown ($900,000), kahit ilang beses na siyang sinubukang kontakin ng Swedish Academy simula nang tukuyin siya bilang nanalo ng parangal noong Oktubre 13.

Ibinalita ng Nobel Foundation na sinabihan na ni Dylan ngayong Linggo si Sara Danius, Permanent Secretary ng Swedish Academy, na tatangapin na niya ang parangal.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Inihayag ng komite na pumili kay Dylan bilang ng Nobel Prize winner na nasa sa kanya kung dadalo siya sa prize-giving ceremony ngayong taon o hindi.

“It has not yet been decided if Bob Dylan will attend any events during the Nobel Week in Stockholm in December,” saad ng Nobel Foundation noong Biyernes.

“The Nobel Foundation will share information as soon as it is available.”

Sa kabilang banda, sinabi rin ni Dylan sa isang interbyu ng British daily na Telegraph na dadalo siya sa seremonya ng Nobel Prize kung makakaya niya. (Reuters)