Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na bumabalangkas na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga patakaran sa kontraktuwalisasyon o ‘endo’ (end of contract) batay sa mga panukala ng mga may-ari ng kumpanya at grupo ng paggawa.

Ayon kay Bello, dedesisyunan nila bago matapos ang taon kung tatapusin o payagan ang kontraktuwalisasyon, o magkaroon ng balanseng alituntunin sa dalawang mga posisyon.

Pinag-aaralan ngayon ng ahensiya ang mga panukalang “win win structure” na isinumite sa Department of Trade and Industry (DTI) at suportado ng iba't ibang kumpanya, kabilang ang Employers' Confederation of the Philippines, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce, at Philippine Association of Local Service Contractors. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'