UNITED NATIONS (AP) – Bumoto ang maraming miyembro ng United Nations para aprubahan ang resolusyon na nananawagang ideklarang ilegal ang nuclear weapons.

Sa botohan sa U.N. disarmament at international security committee noong Huwebes, 123 bansa ang pumabor sa resolusyon, 38 ang kumontra at 16 ang nag-abstain. Kabilang ang United States, Russia, Israel, France at United Kingdom sa mga bansa na bumoto kontra sa naturang hakbang.

Isasalang ang resolution sa full General Assembly vote sa Disyembre.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina