shaina-copy

SA launching ng Cinema One Originals Festival 2016, isa-isang nilapitan ni Shaina Magdayao ang entertainment press, na halos lahat ay kakilala at nakalakihan na niya.

Kasama si Shaina sa pelikulang Lily, tungkol sa babae na pinaghihinalaang kalahating tao at kalahating halimaw na lumaki sa probinsiya.

“It’s an urban legend story sa Cebu,” kuwento ni Shaine, “kung baga sa Manila lumaki tayong naniniwala sa manananggal, apparently may ganu’n din sa Cebu, which is Lily and siya ‘yung ginagamit na panakot sa mga bata na dapat umuwi ng maaga kundi papatayin sila ni Lily.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“When they offered this project to me, nagsimula ito sa producer ko sa Single-Single (TV series na napapanood sa Cinema One) na si Bianca Balbuena and she’s a good friend of Direk Keith Deligero.

“First time kong gumawa ng hardcore independent film, and natatakot ako kasi ang kinalakihan ko ay mainstream. Sabi ko, if gagawin ko ito, it’s going to be a risk kasi unang-una huhubaran ka, it’s going to be out of your comfort zone.

“‘Tapos all film is in Bisaya (language), so lahat ng katrabaho ko (Bisaya). Alam n’yo naman po na galing kami sa Cebu, si Daddy (Ike Magdayao) is from Cebu, lumaki akong nakakaintindi ng Bisaya pero hindi nakakapagsalita ng Cebuano.

“So malaking challenge po nang tinanggap ko itong film dahil walang dubbing, live sound. Binigyan naman nila ako ng speech coach at talagang inaral ko, pero ang hirap pala ng nagme-memorize ka ng sasabihin mo ‘tapos iisipin mo rin kung ano ‘yung iaarte mo. But of course, I wanted to do this kasi malapit sa puso ko ang pagiging Cebuana and I wanted to make my dad proud.

“Si Daddy for the first time, dumalaw sa set namin kasi pagod na siyang dumalaw-dalaw kay Ate Vina (simula nu’ng nag-artista), but this time we shot the whole movie in Cebu also, so three weeks kaming nandoon at tuwang-tuwa si Daddy na puro Cebuano ang kasama ko at narinig niya akong magsalita ng Bisaya, maski gamay lang.

“Masaya ako na nakatulong ako sa film na ito para sa Bisaya industry na nagulat ako kasi malaki na pala ang film industry in Cebu. And they’re holding Binisaya Film Festival there and people all over the world are going to watch the films. Isa sa founder ng Binisaya Film Festival is my director, Keith Deligero.”

Mamatay-tao dahil sa paghihiganti si Lily na ginagampanan ni Shaina kaya biniro namin siya, kung sakaling may gusto siyang patayin, sino?

“Meron ba?” natawang sagot ng dalaga.

Biniro rin namin siya kung mas madali ba para sa kanya ang umarte kaysa kumanta dahil pinuri siya ng marami sa nakaraang Vina @30concert ng ate niyang si Vina Morales nang kumanta siya na, “ang ganda ng boses ni Shaina, bakit ayaw niyang kumanta na lang?”

“Ewan ko ba, sobrang kinakabahan talaga ako kapag nasa stage na ako, wala akong self-confidence kapag kumakanta ako, kaya siguro hindi ko pinursue ang singing. Mas gusto kong umarte na lang o sumayaw,” sagot ng dalaga.

Mas malaki ang kita sa pagkanta kaysa pag-arte. 

“Oo nga, eh. Hindi ko talaga kaya,” napangiting sagot ni Shaina.

Inusisa rin si Shaina tungkol sa nakaraang Star Magic Ball na nakunan sila ng video ni Piolo Pascual na sobrang sweet ng pagkakayakap sa kanya habang sumasayaw sila.

Ipinost iyon ng aktor, pero kaagad ding dinelete at may mga nakakuha na kaya ini-repost ulit.

“You all saw the coverage of the ball. Everyone had fun. And I think ‘yun naman ang reason why we had the ball, so that we could all have fun.

“Sa sobrang busy namin lahat, it’s so nice to see our bosses and co-artists namin. It’s so nice to see everyone, once a year lang siya nangyayari. Why not, it’s fun, di ba? As long as it’s clean fun, it should be okay.

“I had fun with everyone. Not guys lang, ha? I had fun with all my friends in the business. Napakadami naman ng kasama ko that night.”

Sa pagkakaalam namin ay single ngayon si Shaina at wala rin daw nagpaparamdam. (Reggee Bonoan)