Lilitisin na sa susunod na taon ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. kaugnay ng pagkakadawit nito sa pork barrel fund scam.

Itinakda ng 1st Division ng anti-graft court sa Enero 12, 2017 ang paglilitis sa dating senador nang matapos ng prosekusyon at depensa ang pagmamarka sa documentary evidence at listahan ng kani-kanilang testigo na ihaharap sa hukuman. Dalawang beses na didinggin ang kaso – sa 8:30 ng umaga at sa 1:30 ng hapon – tuwing Huwebes.

Nakakulong ngayon si Revilla sa Philippine National Police (PNP) Custodial center sa Camp Crame dahil sa kasong plunder at graft sa umano'y pagtanggap P224.5 milyong kickback mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) bilang senador. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji