SA pagbabalik ng Kapuso Milyonaryo, mas marami at mas malalaking papremyo ang nag-aabang na iuwi ng mahigit 800 winners na bubunutin sa pinakabonggang season ng longest running proof-of-purchase promo sa bansa mula sa GMA Network.

Sa weekly draws pa lamang ay maaari nang magwagi ng grand prizes tulad ng P250,000, P500,000, brand new car, at P1 million, tax-free. Lahat ng hindi mabubunot sa weekly draws ay automatic na pasok sa grand draw, kung saan isang house and lot winner at 8 winners ng tig-P1 million ang tatanghalin.

Mas marami rin ang mga papremyong ipamimigay mula October 22 hanggang December 16, 2016 dahil magkakaroon ng sampung winners ng P7,000, 21 winners ng P1,000, at 72 winners ng appliances at mga premium items linggu-linggo.

Para sumali, ilagay lamang sa isang puting envelope ang proof-of-purchase mula sa alinman sa participating brands kasama ang papel na may kumpletong contact details. Maaaring ihulog ang mga entries sa designated drop boxes sa mga GMA stations at piling Mercury Drugstores nationwide. Maaaring ihulog ang entries hanggang December 16, 2016.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Maaari ring magwagi ng karagdagang papremyo tulad ng P300,000 sa grand draw, at cash prizes at cell phone load linggo-linggo sa Kapuso Milyonaryo mobile app proof-of-purchase promo. I-download lamang ang Kapuso Milyonaryo app simula November 14. Bukas ang mobile app promo hanggang January 8, 2017.

Ang mga sumusunod ang participating sponsors ng Kapuso Milyonaryo 10: Del Fabric Softener, Aji-no-moto Umami Seasoning, Bear Brand Powedered Milk, Milo, Zonrox Bleach, Nescafe, Tang, at Sting Energy Drink.

Para sa karagdagang detalye, i-like lamang ang Kapuso Milyonaryo Facebook page sa www.facebook.com/GMAKapusoMilyonaryo, o bisitahin ang website nito sa www.gmanetwork.com/KapusoMilyonaryo.