WALANG kaduda-duda na sa dami ng napapatay ngayon kaugnay sa giyerang inilunsad ni Pangulong Rodrigo R. Duterte laban sa mga sindikato ng ilegal na droga sa bansa, ang malaking bilang ng naitumba ay kagagawan ng mga awtoridad na protektor nila at ng mga sindikato na rin na nakikisakay sa madugong kampanya laban sa mga drug pusher na kakumpitensiya nila.

Sa pinakahuling scorecard ng Philippine National Police (PNP), mula Hulyo 1 hanggang Oktubre 25, 2016— sa DOUBLE BARREL: bilang ng mga isinagawang operasyon: 32,909; napatay: 1,725; arestado: 31,629.

Sa PROJECT TOKHANG: bahay na kinatok: 2,626,126; bilang ng sumuko: 751,703; mga tulak: 54,702; mga gumagamit:

697,001; mga napatay sa operasyon ng PNP–KIPO: 7 at WIPO: 24; sa operasyon ng AFP-KIA: 3 at WIA: 8.

Night Owl

Kailangan mong bumoto

Wala sa talang ito ‘yung halos aabot na sa 2,000 ang napatay sa tinatawag na “extrajudicial killings” o EJK na masusing dinodokumento ngayon ng mga human rights group na galing pa sa ibang bansa. Kabilang dito ang mga pagpatay ng mga vigilante group na hinihinalang grupo rin mismo na binuo ng ilang opisyal na galing din sa PNP at iba pang grupong nagpapatupad ng batas. Gaya nang pagkakapatay kay Zenaida Luz, ang regional officer ng Citizen Crime Watch (CCW) sa Mindoro, ng riding-in-tandem na nadiskubreng mga regular na opisyal ng PNP. Kaduda-duda ang pananahimik ng PNP sa kaso ng dalawang pulis na ito.

Isa pa rito ang OFW na si Mark Anthony Culata na natagpuang patay ng mga kaanak sa isang punerarya sa Cavite at may carboard sa tabi ng bangkay na may katagang, “Drug pusher ako, ‘wag tularan”. Apat na pulis ang nakilala sa video na sakay sa van na huling pumigil sa biktima sa isang checkpoint bago ito nawala at natagpuan sa punerarya. Wala pa ring update ang PNP hinggil dito.

Ang isa-isang pag-ambush at pagpatay sa mga tinaguriang “Ninja cops” na ipinatapon sa Mindanao ang inaabangan ng lahat. Nagtatago na ang karamihan sa mga ito ngunit ang isang babae na kasama raw nila, pero todo ang tanggi na protektor din siya ng mga pusher, ang pinakahuling na-ambush sa grupo— patay si PO1 Peggy Lynne Vargas Villamin matapos tambangan ng mga suspek na nakamotorsiklo sa may highway ng Sitio Mialim, ... Barangay Vitali, Zamboanga City nito lang nakaraang linggo. Tahimik din ang PNP sa kasong ito.

Walang sinisino at sinasanto ang mga vigilanteng ito – maging mga babaeng walang laban ay inuupakan agad kapag kasama sa kanilang Order of Battle (OB).

Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)