Lumagda ang kumpanyang pag-aari ng gobyerno ng China na sinasabing nagtayo ng mga artipisyal na isla ng Beijing sa South China Sea para lumikha rin ng isla sa Pilipinas nang bumisita roon si Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo, ayon sa mga ulat.
Lilikha ang CCCC Dredging ng apat na artipisyal na isla na may kabuuang lawak na 208 ektarya ng reclaimed land sa Davao City, iniulat ng Beijing Youth Daily.
Sasakupin ng mga isla ang walong kilometrong dalampasigan at gagamitin para pagtayuan ng mga gusali ng pamahalaan, commercial spaces, residences, ports at industry. Tatapusin ang proyekto sa 2019, dagdag sa ulat.
Ang kasunduan sa Mega Harbour Port and Development ng Pilipinas ay isa sa ilang nilagdaan nang bumisita si Duterte sa China noong nakaraang linggo, at nag-alok ang Beijing ng $9 billion soft loans para sa development projects.
(Agence France-Presse)