Namayani ang University of the Philippines Fighting Maroons, National University Bulldogs at Chiang Kai Shek Blue Dragons para patatagin ang kampanya sa susunod na round ng 14th Fr. Martin Division 2 Cup basketball tournament kamakailan sa St. Placid gym sa San Beda College-Manila campus sa Mendiola.

Hataw si Ibrahim Outtra sa Fighting Maroons sa natipang 20 puntos, habang nag-ambag si Jun Manzo na may 13 puntos para sandigan ang 79-74 panalo kontra Arellano University Chiefs at manatiling imakulada sa limang laro para sa quarterfinal sa Group A ng senior division.

Ginapi ng NU Bullpups ang Arellano University Chiefs, 72-54, para manatiling nangunguna sa Group B ng junior side.

Sumandal naman ang CKSC Blue Dragons sa natipang 13 puntos ni Joshua Ramirez para sa 86-48 panalo sa Rich Montessori Center Spartans.

Tangan ng Dragons ang No.4 spot sa Group A, at tumatag para makasama sa semifinal ang Spartans at Letran Squires.

Mantra ni Alex Eala: ‘Wag magduda!

Ratsada naman sina Russell Calimag at Jade Talampas sa nakubrng 13 at 11 puntos para sandigan ang San Beda-Rizal Red Cubs kontra St. Michael College-Laguna, 98-54.