Sinabi kahapon ni Senator Leila de Lima na ginagamit si Pangulong Duterte ng makakapangyarihang personalidad na inimbestigahan niya noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DoJ) upang makapaghiganti sa kanya.

Gayunman, sinabi ni De Lima na ipupursige niya ang pagsasampa ng mga kaso laban kay Pangulong Duterte bilang kanyang “primary respondent” at kay House Speaker Pantaleon Alvarez, na aniya’y labis na nagpapahirap sa kanya sa nakalipas na mga linggo.

Bagamat hindi tinukoy ang mga kasong ihahain niya laban sa Presidente, tiniyak ng senadora na isasampa niya ang mga ito “soon”.

“Definitely. That one is settled already. ‘Yung mga kaso na ipa-file, kasama ang Pangulo, because he’s on top of all these. Kagagawan niya ito lahat. Do you think sina (Justice) Secretary (Vitaliano) Aguirre, ‘yung mga investigators sa NBI, ‘yung mga agents sa ISAFP, ‘yung congressmen lalo na ‘yung sa House committee na nag-actively participate in vilifying me publicly on national TV, si Speaker Alvarez, the committee chair, my fraternity brod and the godfather of my eldest son, do you think they will do all these kung hindi ‘yan ang kagustuhan ng Pangulo? Of course not,” paliwanag ni De Lima.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Tinukoy din ni De Lima sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at “one or two PDAF” senators na nasa likod umano ng mga pag-atake sa kanya.

“I’m referring to personalities lalo na the powerful ones na natapakan ko nung ginagawa ko ‘yung trabaho ko as secretary of Justice,” ani De Lima. (Hannah Torregoza)