Kaalinsabay ng pagdaraos sa Puerto Princesa nang dalawang malaking international dragon boat tournaments sa susunod na buwan, gaganapin din ang Asian Canoe Confederation Congress.

Ito ang kinumpirma ni organizing Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation president Jonne Go na nagsabing magdaratingan din sa bansa ang matataas na opisyales ng ACC para sa magaganap na Congress kasabay ng Asian Dragon Boat Championship sa Nobyembre 11 -12.

Kaugnay nito, tatlong malaking event ang idaraos sa Palawan na kinabibilangan ng Puerto Princesa International Club Crew Championship na idaraos sa Nobyembre 12 -13 , sinabi ni national coach Len Escollante na buo ang ibinibigay sa kanilang suporta ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa.

Tinatayang may 1,000 mga paddlers ang lalahok sa dalawang torneo na idaraos sa Pilipinas sa unang pagkakataon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang sa mga bansang kalahok sa Asian Dragon Boat Championship ang Chinese Taipei, Hong Kong, Japan, Iran, India, Indonesia, Thailand, Brunei at Singapore habang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon sa International Club competition ang Germany at United States..

Samantala, ang national team na sasabak sa torneo at magmumula sa matagumpay na kampanya sa International Canoe Federation Dragon Boat World Championships sa Russia kung saan nagwagi ang Pinoy ng tatlong gintong medalya, isang silver at dalawang bronze medals. (Marivic Awitan)