Nabagsakan at nalagutan ng hininga ang isang stay-in helper, habang sugatan naman ang dalawa niyang kasamahan, matapos mabagsakan ng mga glass panel na kanilang isinakay sa delivery truck sa Binondo, Maynila kamakalawa.

Hindi na umabot nang buhay sa Metropolitan Hospital si Gregorio Ygano, 50, binata, stay-in helper ng Eternal Industry Enterprises, na matatagpuan sa 917 Tetuan Street sa Binondo, dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan.

Samantala, kapwa sugatan at ginagamot sa Chinese General Hospital ang dalawa pang biktima na sina Wilbert Lascano, 38, at Leoben Manungsong, 19, kapwa helper ng PVC SDS Solution at mga residente ng Barangay Tabinay, Puerto Galera, Occidental Mindoro.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 2:30 ng hapon nangyari ang aksidente habang tinatalian ng mga biktima ang mga glass panel na isinakay sa isang six wheeler Canter delivery truck, na may plakang KFE-559.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ayon kay Lascano, naisakay na nila sa truck ang mga glass panel at itinatali na ang mga ito sa truck nang maputol ang tali at malaglag ang mga salamin at minalas na mabagsakan ang mga biktima. (Mary Ann Santiago)