Hindi lamang ang barangay ang nagtagumpay sa kampeonato ng Barangay Ginebra.
Patok sa takilya at umani nang napakataas na rating sa TV at livestream viewing ang buong serye ng Ginebra Kings at Meralco Bolts kamakailan.
Muling nagdiwang ang barangay sa panalo ng crowd-favorite sa Game 6 para sa kauna-unahang kampeonato ng Kings sa nakalipas na walong taon.
Tunay na blockbuster sa takilya ng Araneta Coliseum ang serye at sa opisyal na pahayag ng Sports5 at digital arm D5 Studio tumabo ang naturang serye.
Naitala ang 45 porsiyento sa audience share sa kabuuan ng serye.
“Halos kalahati ng mga nanood sa TV noon, naka-tune in sa PBA,” pahayag ni TV5 president/chief executive officer Chot Reyes.
“We’ve always had a good rating in any PBA finals. But the good rating soared to phenomenal in this series,” aniya.
Inihalintulad ni Reyes, TV5 top boss at Gilas Pilipinas head coach, ang serye bilang isang “perfect storm.”
“It’s not only the Barangay Ginebra mystique. It’s the fact that they’d not been there for years. Talagang nauhaw at nagutom ang tao,” aniya.
“I don’t think it would be that huge if not for Ginebra and if Ginebra is there every year. The fact was that eight years sila nawala at biglang pumasok uli sa finals.”
Mula 9:30 hanggang 10:15 ng gabi ng Game Four hanggang Six, tinalo ng TV5 ang lahat na kasabayang palabas sa TV.
“It’s not just Ginebra. It’s also because every game was classic, each game bakbakan. Credit should also go to Meralco. They fought a good series, and the two teams engaged in a well-fought series,” sambit ni Reyes.
“Madaming factors na nagsama-sama. The result was the kind of rating that we got on TV and on online digital. The numbers were Gilas proportions. What a success it was!” aniya.