lovi-derek-copy-copy

IPINAGMAMALAKI nang husto ng mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo na approved without cuts ng Movie and Television Review and Classification Board at binigyan pa ng rating na PG 13 ang kanilang pelikulang The Escort na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Lovi Poe at Christopher de Leon.

Nakakapagtaka nga dahil sexy movie ang The Escort at matitindi ang love scenes nina Lovi at Derek, pero PG13 lang ito. Ibig sabihin, safe itong panoorin ng mga batang nagsisimula pa lang sa pagiging teenager basta’t kasama ang kanilang magulang.

“Sobrang nagandahan sila (MTRCB) sa movie kaya walang putul-putol,” sey ni Mother Lily. “Ang ganda talaga, you have to watch it.”

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Sa trailer pa lang, halatang maganda ang pagkakagawa nito ng mahusay na direktor na si Enzo Williams.

Katunayan, overwhelmed maging ang lead actor ng The Escort na si Derek Ramsay sa mga naririnig na feedback ng pelikula na pinag-uusapan na agad kahit trailer pa lang ang napapanood.

Sa solo presscon ni Derek sa 38 Valencia Events Place nitong Miyerkules, inamin niya na sa pelikulang ito lang siya nakaranas ng ‘enjoyable love scene’ sa buong showbiz career niya.

Ibig sabihin, mas hot ito kumpara sa mga naunang pelikula niya na kumita nang husto tulad ng No Other Woman, The Secret Affair, Trophy Wife at Ex With Benefits na pawang may sizzling scenes din siya sa mga leading lady niya.

“Most enjoyable love scenes I’ve done in my career kasi bago namin gawin (ni Lovi), talagang pinag-usapan namin kaya walang on cue, walang adjustment ng ilaw na nangyari, so parang realistic ‘yung love scene namin. And Lovi was professional enough to the point na payag siyang magpatanggal ng bra. I told her I’ll protect her all the time na ididikit ko siya sa dibdib ko para hindi siya mabosohan, and it came very, very nice. 

“And hindi nga matutuloy ‘yung lovemaking namin kasi virgin nga si Lovi, so it was very different to do a love scene na we didn’t make love, nagkaano lang siguro, very attractive to each other kaya nagkaroon ng torrid kissing, hubaran ng damit ‘tapos ‘pag nandoon na, bigla niya akong pipigilan,” kuwento ng aktor.

Kaya biniro si Derek ni Katotong Jun Nardo, ang publicist ng Regal Entertainment, ‘Nabitin ka raw?’ na ikinangiti ng aktor. “May malaking isyu na tayo ngayon.” 

“Ganu’n naman tayo, I tried to learn everytime we do a movie, I tried to better myself at my craft, I worked hard for the next movie that I do, I learned a lot especially from Christopher de Leon. Sinabi ko nga last time that before Christopher de Leon, I always had nervous working with Maricel Soriano, pero when I did a scene with Christopher de Leon, talagang pawis na pawis ang kamay ko, ninenerbiyos ako, sobrang intense niya kasi and I learned a lot from him.”

Escort ang papel nina Derek at Lovi sa pelikula kaya tinanong ang aktor kung naranasan na siya o may nakilala na siyang ganito ang trabaho.

“I never hired an escort but I’ve seen in a party that I attended, may mga kaibigan akong nagsasabi na, ‘yan escort, ‘yan all the way ‘yan, ‘yan for show lang ‘yan.’

“That was far as I experienced with regards to escort and that’s what we show in the movie, na hindi lahat ng escort, sex lang or you’re there for companion, somebody to talk to. May different levels ang escorts,” paliwanag ni Derek.

Klinaro rin niya na hindi puwedeng tawaging prostitutes ang mga escort dahil magkakaibang level nga ang mga ito.

“I don’t want to say na being an escort is prostitution, it’s not, although the word escort is iisiping, ah barayan ‘yan per se. But that’s not the case. I’m not sure in the US, in the UK, I heard them call escort, so I’m not sure to what else they would call them but escorts and prostitutions are currently two different thing,” paliwanag ng aktor.

Nagkaroon ng dalawang premiere night ang The Escort kagabi sa Trinoma 5 PM at sa SM Megamall 7 PM dahil marami raw ang gustong manood nito at makita sina Derek, Lovi at Boyet.

Sa Nobyembre 2 ang opening ng pelikula nila nationwide mula sa Regal Entertainment. (REGGEE BONOAN)