HABANG isinusulat ko ang artikulong ito, nasa Japan si Pangulong Rodrigo Dutere para sa isang state visit, matapos ang matagumpay niyang biyahe sa Beijing. Ang kanyang “China pivot” o pagpihit pabor sa China ay nananatiling isang masiglang paksa dahil sinasagisag nito ang isang “game-changing pivot” o pagbabago sa kalakalan at pamumuhunan.

Gaya ng ipinaliwanag ni Albay Rep. Joey Salceda, isang kilalang ekonomista, ang China Pivot ni Pangulong Duterte ay “hindi pangangalap ng tulong kundi negosyo” (not about aid, but trade), na umasinta ng US$18 billion export deals, US$6 billion Foreign Direct Investment (FDI), at US$10 billion Official Development Assistance (ODA) loans para sa mga train systems, bukod sa mga tatlong milyong turistang Chinese at teknolohiya para sa renewable energy. Sa mga ulat, sinasabing natamo ang mga target na ito o higit pa.

Sa ngayon, ang Japan ang pinakamalaking trading partner ng: Pilipinas na kinapapalooban ng may US$21 billion, kasunod ang ASEAN na may $18 billion, China na may $17 billion at ang US na may $16 billion. Salungat sa karaniwang paniniwala, lumilitaw na pang-apat lamang ang US sa kabila ng makasaysayan at matagal nang ugnayan nito sa ating bansa.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Kakaiba ang kaso ng China dahil kung susumahin ang kabuuan ng tutuhanang business transaction nito sa Pilipinas, lumilitaw na ito ang pinakamalaking trading partner ng bansa na may US$32 billion, isang malaking trade relations na walang proteksiyon at promosyon dahil “undeclared and under-valued” ang kalakal na sangkot dito kaya nagreresulta sa “trade imbalance” na US$15 billion kada taon na dapat ituwid.

Ayon kay Salceda, ang isang itinuwid na mas matibay na bilateral trade relations sa China ang magbubunga ng karagdagang P72 billion na import VAT revenue at iba pang pakinabang ang Pilipinas, sapagkat mangangailangan ng trade restructuring ang China investments sa ating bansa dahil sa kasalukuyan, may US$6 billion resident investments sa China ang Pilipinas.

Pakikinabangan din ng Pilipinas ang matibay na kakayahan at teknolohiya ng China para sa imprastruktura lalo na sa railways development at renewable energy, na maaaring makuha natin sa pamamagitan ng ODA scheme.

Malaki rin ang 500-million tourist market ng China na 432,000 lamang nito ang bumisita sa Pilipinas noong 2015. Ayon kay Salceda, noong siya ang Albay governor at binuksan... nila ang Xiamen-Albay direct link, may 30,000 turistang Chinese na may malaking purchasing power ang bumibisita sa Albay buwan-buwan.

Bukod sa mga ito, ang China pivot ay “access door” ng Pilipinas sa “multi-billion dollar Belt and Road plan” na mag-uugnay sa Asia, Europe at Africa at ang bagong BRICS (Brazil, Russia, India, China and South Africa) bloc.

(Johnny Dayang)