mga-pagkaing-mayaman-sa-omega-3-copy

Upang matugunan ang pagtaas ng obesity rates, dapat na isama sa diet ang mas maraming omega-3 fatty acids at bawasan ang omega-6s, ayon sa isang bagong pag-aaral na inilathala sa online journal na Open Heart.

Naniniwala ang grupo ng mga eksperto na ang mas maayos na balanse ng omega-3 at -6 sa diet ang mas epektibong paraan upang mapabuti ang nutrition policies sa kasalukuyan, na nakatuon sa calories at energy expenditure na maaaring nabigo “miserably over the past 30 years,” sabi ni Dr. Artemis Simopoulos ng Center for Genetics, Nutrition, and Health sa Washington DC, at Dr. James DiNicolantonio ng Saint Luke’s Mid America Heart Institute sa Kansas.

Ngunit posibleng binago ng technological advances at ng modern farming methods ang omega-6 to omega-3 fatty acid ratio sa karaniwang Western diet.

Human-Interest

ALAMIN: Pinoy mountaineer na nasawi sa Mt. Everest, ina-advocate ‘clean water,’ ‘cure children’s cancer’

Nitong mga nakaraang taon ay nasaksihan ang pagtaas sa produksiyon ng vegetable oils na mayaman sa omega-6, gaya ng sunflower, safflower at corn oils. Ang mga hayop ay pinapakain na ng grains sa halip na damo na mayaman sa omega-3.

Nagreresulta ito sa mataas na antas ng omega-6 sa karne, itlog at dairy sa food supply sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng tao.

Bagamat kailangan din natin ang sapat na omega-6 sa diet, nagbabago ang tao at pumapantay na ang dami ng omega-6 at omega-3 fatty acids sa ating kinakain.

Gayunman, ang karaniwang Western diet sa ngayon ay mayroon nang unbalanced dietary ratio na 16:1.

Sa kanilang ulat, ipinayo ng grupo na, “The time has come to return the omega 3 fatty acids in the food supply and decrease the omega 6 fatty acids by changing the cooking oils and eating less meat and more fish.”

Upang maibaba ang antas ng omega-6, bawasan ang paggamit ng vegetable oils gaya ng corn oil, sunflower, safflower, cottonseed at soya bean oil at dagdagan ang paggamit ng oil na mayaman sa omega-3, kabilang na ang flaxseed oil, canola oil, perilla oil, walnut oil at chia oil.

Kumain din fatty fish gaya ng salmon, mackerel at tuna, at seafood na sagana sa omega-3.

Mayaman din sa omega-3 ang nuts, lalo na ang walnut, at mga buto. Makukuha rin ang omega-3 sa dark green vegetables gaya ng spinach, kale, Brussels sprouts at watercress, na mayroon pang dagdag na ibang health benefits. (AFP)