Walong sundalo at tatlong kasapi ng Citizen's Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang sinibak sa serbisyo makaraang magpositibo sa isinagawang drug test ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.

Ayon sa report ng 4th Infantry Division ng Philippine Army headquarters sa Camp Evangelista sa lungsod, sinibak ang 11 sa puwersang sandatahan matapos magpositibo sa drug test.

Sinabi ni 4th ID Commander Major Gen. Benjamin Madrigal na nagpositibo ang mga suspek sa paggamit ng shabu sa random drug tests.

Aniya, binigyan pa ng Army ng pagkakataon ang mga nagpositibo na sumagot sa mga alegasyon pero hindi kumbinsido ang militar sa naging paliwanag ng mga ito. (FER TABOY)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente