ISANG maimpluwensiya at beteranong reporter ang nagkuwento sa amin na binanggit sa kanya ng isang taong malapit kay PNP Director Gen. Ronald dela Rosa ang mga pangalan ng 30 showbiz celebrities na nasa drug watchlist. 

Ang listahan daw ng hepe ng pulisya ay ibinigay na kay Pangulong Duterte pero bukod sa nasabing tatlumpung pangalan sa listahan ay may sariling listahan pa rin naman daw ang pangulo. 

Hindi na namin ikinagulat ang mga pangalang binanggit ng aming kausap, dahil ilang beses na rin namang naging isyu sa naturang celebrities ang illegal drugs.

Pero may mga bagong pangalan na tiyak na mainit na pag-uusapan kapag naisapubliko ang nasabing listahan.

Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?

May mga ikinanata raw kasi ang dalawang nasakoteng celebrities na sinasabing nagbebenta sa kanila ng illegal drugs na sina Sabrina M. at Krista Miller. 

Pawang sikat ang mga bagong name at talaga namang maraming tagahanga. 

Tiniyak pa ng source namin na siguradong malalaos ang naturang celebrities once na isapubliko ang mga pangalan nila. 

“For sure, sayang ang mga endorsement nila,” sabi ng source. “’Yung mga sikat diyan tiyak na mawawalan ng ningning ang stars nila at ang medyo papunta na sa pagkalaos, eh, magiging super laos,” banggit pa ng kausap namin.