Maging sa sports, asahan ang ayuda ng Russia.

Binuksan ng Russia ang pintuan para patibayin ang pakikipag-ugnayan sa larangan ng sports matapos ang pakikipagpulong ni Russian ambassador to the Philippines Igor A. Khovaev at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Sentro ng pagpupulong ang lalagdaang memorandum of agreement (MOA) kung saan katuwang ng pamahalaan ang Russia para sa pagbuo at pagpapaunlad ng Philippine Sports Institute (PSI).

“Bihira tayong makakita ng isang opisyal at ambassador ng Russia na makipagpulong sa atin at malaking bagay ‘yan,” sambit ni Ramirez.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Napakaseryoso ng aming usapan at nangako sila na tutulong sa PSI, gayundin sa development ng fencing, shooting, chess at gymnastics,” aniya.

Tanyag ang Russia sa mga naturang sports kung saan nadomina nila sa mahabang panahon sa world stage at Olympics.

Ayon kay Ramirez, ang lalagdaang MOA at sports cooperation, isang senyales para sa matagumpay na alyado ng Pangulong Duterte sa Russia.

“Russian sports is about cultutal and education. Nagpahatid sila ng pagnanais na tumulong sa atin, hindi ko akalaing bibisita sila dito sa atin,” pahayag ni Ramirez.

Kasama niya sa pulong sina PSC commissioner Arnold Agustin at PSI administrator Marc Velasco.

“We have a very productive meeting and it’s a very good discussion with the PSC. We discussed what should be done.

What beneficial for both the country. I think this time we could done more. It’s time to accelerate our sports partnership,” pahayag ni Khovaev.

“We are ready to discuss any option,” sambit ni Khovaev.

Sinabi ni Ramirez na iimbitahan din nila ang Sports Minister ng Russia para bumisita sa bansa.

“We can’t afford to hire foreign coach na may suweldong US$5,000 hanggang US$10,000, at the expense of our Filipino coach.,” aniya. (Edwin Rollon)