filomeno-boy-codinera-14-copy

Sumakabilang buhay si Filimeno ‘Boy’ Codinera, itinuturing na Pinoy greatest baseball at softball player, kahapon ng umaga sa edad na 77.

Dakilang ama si ‘Mang Boy’ – taguri ng mga kakila at kaibigan – nina dating PBA star Jerry, Harmon at Pat Codinera.

Miyembro si Codinera ng Philippine team na nagwagi ng bronze medal noong 1966 World Amateur Baseball Championship sa Hawaii.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Naitala niya ang hindi pa napapantayang pitong sunod na doubles na naitala niya noong 1968 World Softball Championship sa Oklahoma. Nakatala sa Guiness Book of World Records ang naturang galing.

Ipinagkaloob sa kanya ang iba’t ibang parangal kabilang ang Lifetime Achievement Award mula sa Philippine Sportswriters Association sa nakalipas na taon.