paolo-copy-copy

NALOKA ang production ng Alyas Robin Hood kay Paolo Contis dahil ibinuking na ‘yung episode na umere last Thursday (October 20) yata ‘yun ay kinunan sa mismong araw. 

Sabi ni Paolo, tinatapos lang nila ang eksena, abangan lang. 

Walang nagawa si Jo Macasa, isa sa assistant directors ni Dominic Zapata kundi mag-post ng, “Hahaha, hayup, binuko talaga.”

Mga Pagdiriwang

#BalitaExclusives: Bentahan ng ilang Divisoria seller, ‘merry’ pa rin kahit medyo lugi

Sinundan ni Dingdong Dantes ang pambubuko ni Paolo ng comment na, “Mainit-init pa ang material.”

May mga naiinip ng viewers ng Alyas Robin Hood at gustong magsagupaan na sina Dingdong at Paolo, pero tila matagal pa darating ang oras na ‘yun. Good policeman pa si Paolo bilang si Daniel Acosto at hindi pa kinakalaban si Pepe (Dingdong).

Anyway, nakatutuwa ang sunud-sunod na pagpo-post ni Paolo ng old pictures niya together with co-actors. Kahit hindi pa Thursday, nagtu-TBT o Throwback Thursday siya. Aliw ang ipinost niyang picture ng cast ng Sugo kasama ang girlfriend na niya ngayong si LJ Reyes.

“#MondayMemories Sugo Days!!! Nang mga panahong KUYA pa ang tawag mo sa akin @lj_reyes hahahaha.” 

Sino nga naman ang mag-aakalang pagkatapos ng ilang taon, magkakagustuhan sila at magmamahalan! (NITZ MIRALLES)