Oktubre 27, 1904, dakong 2:35 ng hapon, nang paandarin ang New York subway sa riles na minaneho ni dating Mayor George McClellan. Ito ang unang underground at underwater train system sa mundo.

Ang unang linya, pinangangasiwaan ng Interborough Rapid Transit Company, ay naglakbay ng 9.1 milya na binubuo ng 28 istasyon, na may layong mula New York City Hall sa lower Manhattan hanggang sa Grand Central Terminal. At nagtungo sa kanluran sa kahabaan ng 42nd Street hanggang Times Square.

Ang subway sa “City that Never Sleeps” ay kinilala bilang pinakamalaking subway system sa America, na sa kasalukuyan ay aabot sa 4.5 milyong pasahero ang pinagsisilbihan sa loob ng 24 oras, pitong araw kada isang linggo. Ngayong ito ay binubuo na ng 26 na linya at 468 istasyon, ang Metropolitan Transport Authority na ang namamahala rito simula pa noong 1968.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya